Tuesday, December 7, 2010

thoughts on men.

Some points for men:

1. Some girls have a specific preference for movies. yung iba gusto ng chick flick, yung iba suspense. it really differs from each one of us. wag sasama ang loob mo kung hindi niya magustuhan ang gusto mo, kasi iba ka iba rin ako. kung ayaw mo ng 'sex and the city,' ganun din siya sa 'death note.' deal with it. pag may ibang tao na nag-suggest sa kanya at pinanood niya, huwag sasama ang loob mo kasi malay mo naman nakita niya ang preview ng pelikula at naengganyo siya, hindi ba?

2. Kung makikipag-email or makikipagtext ka sa ibang babae regardless of the topic at ayaw mong mabasa niya, then try to be as discreet as possible. huwag niyo ipakita sa amin. simple. some of us really don't care about the topic, but how you react when we try to read the thread. kung hindi naman kagalit galit ang nilalaman ng thread pero ayaw mo paring malaman niya at hindi inaasahang dumating siya bigla sa tabi mo, then explain who you're talking to and what is it about. hindi kailangang sumigaw, tapikin ang kamay para lang bitawan ang mouse, at magalit. isipin mo sanang may mga tao sa paligid at napapahiya yung taong sinasabi mong mahal mo. kung sayo gawin yun, matutuwa ka ba? ano iisipin mo?

3. Huwag kang umasa na maging sweet sayo ang taong mahal mo lalo na pagkatapos mo siyang sigawan (refer to scenario #2). naghihintay siya ng sorry mo, nakalimutan mo na ba? konting pakiramdam naman. sinigawan mo na nga siya dahil sa ka-email mo, hindi ka pa nakuntento at na-wrong send ka pa sa kanya. imbes na 'sorry' ang marinig niya, para mo siyang binigyan ng mag-asawang sampal. hindi ka na nga humingi ng tawad, tinawag mo pa siyang walang kwenta dahil hindi ka sinuportahan sa pag-aapply mo sa ibang posisyon.

4. we'd appreciate it more if you sincerely say sorry instead of buying us gifts. although we like pampering, sincerity is still the key. hindi nagsasalita ng 'sorry' at 'i love you' ang snickers at sinigang. walang kwenta ang tsokolate mo kung pagkatapos non ay makikipag-away ka. nag-aksaya ka lang ng 30pesos. eh kung binili mo nalang yun ng hallmark card eh di alam pa niya kung ano nararamdaman mo diba? problem solved pa!

5. accept the fact na may sariling isip din kami. pag sinabi niyang kakain siya sa mcdo mag-isa, in as early as 5 seconds pwede niyang gawing jollibee yun. hindi ibig sabihin non nagsisinungaling siya sayo. huwag mong lagyan ng ibang kahulugan ang lahat ng bagay. hindi lahat ng salita may synonym. magkaiba ang pagwoworry sa paranoia.

6. being close to men is not exactly flirting. some girls prefer talking to men because most men are blunt, downright honest and do not gossip. kaya when it comes to serious stuff, minsan mas gusto naming lumapit sa mga lalaki for advice. kaya kung may partner kaming seloso, dun kami lumalapit sa mga kaibigan ninyo para hindi kami mapag-isipan ng masama. konting preno sa pagseselos dahil baka sa pagiging tactless niyo pati kaibigan niyo mawala sainyo.

7. practice what you preach. huwag ka manumbat kung ayaw mong sumbatan ka. gusto mong manahimik? then shut the fuck up. gusto mo makipag-ayos? mean it. hindi yung malingat lang siya kung ano-ano na sinasabi mo. huwag kang unreasonable kung ikaw mismo ilang beses na nag-attempt na mangbabae. strong and dominant women don't let things like that pass. let's say yung balak mong beerhouse pinalagpas niya at hindi na naging issue pa, simpleng sumakay lang sa frontseat ng friend's car wala ka na agad tiwala? grow up.

8. ASKING is different than QUESTIONING. bilang partner, karapatan mong magtanong all you want. at malugod namin itong sasagutin. may nakita kang solo picture niya na hindi mo alam kung saan kinuha? magtanong ka. open-ended questions are more encouraged. huwag kang gumawa ng hypothesis sa isang bagay na wala kang ideya kung tungkol saan. gather facts. verify information. huwag niyo kaming gulatin na may namumuo na palang conclusion diyan sa utak niyo without even letting us present our facts. practice fair judgment.

9. don't ask if you won't believe. rebutting is allowed, but do not accuse. you can ask "who do you go home with?" when she said none, you can follow it up with "i wonder why you're at the front seat of someone else's car? when was this?" then she can casually say that "oh that was when we went to baywalk for our GA, six of my teammates are at the back." instead of something like "oh, i thought a guy w/ a fortuner drops you off everyday from work." and you honestly think na maganda ang isasagot sayo? think again.

10. and lastly, love cannot flourish without trust. back to back yan e. yin yang. walang mangyayari sa isang relasyong walang trust. alamin mo kung bakit nawala yung trust mo sa kanya. hindi pwedeng 'for some reason.' dahil ba sa feeling mo lumamig siya sayo? ask her. have a heart-to-heart to talk and work from there. hindi yung makikipag-away for an outrageous reason, then bigla nalang sasabihin mo 'together we'll resolve this.' no woman in her right mind will let a man down if he approached nicely. and no sane woman will sit down and talk with a man who thinks of her as a lying whore.




NOTE:
**this is solely my opinion and of course may not apply to all men**
**written with my heart weighing twice as it used to be**



No comments:

My Dear Readers :)

This blog contains all my feelings, emotions and my life. Feel free to read. And please bear with some nonsense stuffs I place here.


Powered By Blogger

Followers